ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 9 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 10 Methadone • Gumagana rin ang methadone sa bahagi ng utak na gaya ng sa mga opioid na gamot o droga at tumutulong ito sa pagpapa-stable sa mga ito para mabawasan ang pagnanais na gumamit ng mga opioid at maiwasan ang mga sintomas ng pag-withdraw. • Maaaring ligtas na simulan ang methadone bago magsimulang makaranas ang pasyente ng mga sintomas ng pag-withdraw. • Makikipagtulungan ang clinician sa pasyente para mahanap ang tamang dosis na makakabawas sa pagnanasa nang hindi nagdudulot ng pagkaantok o pagkalma ng pasyente. • Ginagamit ang methadone bilang likido, o bilang pulbos o tableta na tinutunaw sa likido bago ito inumin. Karaniwan itong iniinom nang isang beses bawat araw (maaaring iba ito para sa mga pasyenteng buntis o ginagamot dahil sa pananakit). • Tanging ang mga espesyal na Programa sa Paggamot sa Opioid lang ang pinapayagang gumamot sa mga pasyente gamit ang methadone. • Sa simula ng paggamot, karaniwang kailangang pumunta ng mga pasyente sa klinika araw-araw para inumin ang kanilang pang-araw- araw na dosis. • Maaaring bigyan ng supply ng gamot na iinumin sa bahay ang mga taong nasa stable na pagpapagaling. • Dapat subaybayan ang pagpapainom ng methadone dahil maaaring humantong ang hindi pinangangasiwaang pagpapainom nito sa maling paggamit at dibersyon. • Maraming pasyente ang kailangang magpatuloy sa pag-inom ng methadone sa loob ng mahabang panahon. Maaaring malagay sa panganib ng pag-relapse at pag-overdose ang pasyente kung ihihinto ang methadone. Dapat lang itong gawin nang dahan-dahan sa maingat na pagsubaybay ng clinician. • Nakakabawas sa panganib ng pasyente na mamatay dahil sa pag- overdose sa opioid ang paggamit ng methadone sa paggamot.

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide