11
Naltrexone
• Gumagana ang Naltrexone sa pamamagitan ng pagpigil sa mga opioid
na gumana sa utak. Nangangahulugan ito na hindi magiging high
ang pasyente mula sa paggamit ng mga opioid habang umiinom ng
naltrexone. Isang magandang opsyon ang naltrexone para maiwasan ang
pag-relapse sa mga pasyenteng hindi na nakadepende sa mga opioid.
• Hindi na maaaring magkaroon ang mga pasyente ng anumang opioid
sa kanilang katawan kapag nagsimula nang gumamit ng naltrexone.
Kung magkakaroon man sila nito, mabilis itong magdudulot ng
matinding pag-withdraw. Bago simulan ng clinician ang pagbibigay
ng naltrexone sa pasyenteng may aktibong pagkalulong sa opioid,
dapat sumailalim ang pasyente sa pag-withdraw sa pangangasiwa ng
clinician. Maaaring tumagal ang panahong ito nang 6–10 araw.
• Ibinibigay ang Naltrexone sa anyo ng extended release na itinuturok
sa puwit. Ibinibigay ang iniksyon sa tanggapan ng clinician nang isang
beses bawat 3-4 na linggo.
• Available din ang naltrexone bilang pill, ngunit HINDI
inirerekomenda ang anyong ito maliban sa ilalim ng mga
napakalimitadong pangyayari.
• Maraming pasyente ang kailangang magpatuloy sa paggamit ng
naltrexone sa loob ng mahabang panahon. Dahil hindi nagdudulot
ang naltrexone ng pisikal na pagdepende rito, maaari itong itigil
nang biglaan nang walang sintomas ng pag-withdraw. Gayunpaman,
maaaring malagay sa panganib ng pag-relapse at pag-overdose ang
pasyente kung ihihinto ang naltrexone. Dapat lang itong gawin nang
may maingat na pagsubaybay ng clinician.