ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 11 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 12 NALOXONE Ginagamit ang naloxone para gamutin ang pag-overdose sa opioid (gumagana lang ito para sa mga pag-overdose mula sa mga opioid). Available ito bilang spray sa ilong at iniksyon. Maaaring makatulong ang pagkakaroon ng naloxone para mailigtas ang taong nasobrahan sa paggamit ng opioid na humantong sa paghinto ng o kahirapan sa paghinga. Kung may pinaghihinalaang pag-overdose, tumawag kaagad sa 911 at magbigay ng naloxone sa lalong madaling panahon. Maaaring mangailangan ng higit sa isang dosis ng naloxone para mabaliktad ang pag-overdose sa mga opioid na may mataas na potency, tulad ng fentanyl. Maaaring kailangang magbigay ng naloxone nang maraming beses dahil maaaring mawala ang bisa nito bago mawala ang epekto ng opioid. Para matiyak ang kaligtasan ng pasyente, dapat magtabi ng naloxone sa malapit ang mga pasyente, miyembro ng kanilang pamilya, kamag-anak, at kaibigan at dapat na sanayin sila sa paggamit nito kung sakaling magkaroon ng pag-overdose. Dapat magbigay ang clinician ng naloxone, o reseta para sa naloxone, para sa parehong pasyente at mga miyembro ng pamilya. Available din ang naloxone nang walang reseta sa pamamagitan ng botika sa karamihan ng mga estado. Pagkatapos ma-overdose ng mga pasyente, mahalagang simulan nila ang paggamot para sa pagkalulong sa opioid o makipagtulungan sila sa kanilang clinician para iakma ang kanilang plano ng paggamot.

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide