ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 12 of 19

13 PAANO GUMAGANA ANG MGA GAMOT NA ITO? Methadone May pangmatagalang bisa • Bisa: Gumagana sa mga bahagi ng utak na gaya ng sa mga opioid na gamot o droga ngunit may mas matagal na bisa para gawing stable ang aktibidad sa mga bahaging ito • Paggamit: Paggamot sa pag-withdraw sa opioid at pangmatagalang paggamot para sa pagkalulong sa opioid • Mga KALAMANGAN: Gumagana nang maayos para maiwasan ang pag-withdraw, pagnanasa, at paggamit ng mga ipinagbabawal na opioid; binabawasan ang panganib ng pagkamatay dahil sa pag- overdose sa opioid • Mga KAHINAAN: » Madalas na pagpapatingin sa klinika » Maaaring magdulot ng pag-overdose kung hindi ginamit ayon sa tagubilin ng clinician Buprenorphine Kadalasang sinasamahan ng naloxone • Bisa: Gumagana sa mga bahagi ng utak na gaya ng sa mga opioid na gamot o droga ngunit may mas matagal na bisa para gawing stable ang aktibidad sa mga bahaging ito • Paggamit: Paggamot sa pag-withdraw sa opioid at pangmatagalang paggamot para sa pagkalulong sa opioid • Mga KALAMANGAN: Gumagana nang maayos para maiwasan ang pag-withdraw, pagnanasa, at paggamit ng mga ipinagbabawal na opioid; binabawasan ang panganib ng pagkamatay dahil sa pag- overdose sa opioid • Mga KAHINAAN: Panganib para sa pag-overdose kapag sinabayan ng alak o mga pampakalma Naltrexone • Bisa: Pinipigilan ang epekto ng mga opioid • Paggamit: Iniiwasan ang pag-relapse sa mga pasyenteng hindi na nakadepende sa mga opioid • Mga KALAMANGAN: Walang panganib para sa pagdepende; nakakabawas ng pagnanasa • Mga KAHINAAN: Mas malamang na huminto ang mga pasyente sa paggamot gamit ang naltrexone Naloxone Panandaliang epekto • Bisa: Pinipigilan ang epekto ng mga opioid • Paggamit: Ginagamot ang pag-overdose sa opioid • Mga KALAMANGAN: Nagliligtas ng mga buhay • Mga KAHINAAN: Hindi naaangkop

Articles in this issue

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide