© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org
14
Buod ng Paggamit ng Gamot
• Iba-iba ang bawat pasyente. Nagbibigay-daan sa pasyente ang tamang
gamot na maging normal, magkaroon ng kaunting side effect,
hindi magkaroon ng sintomas ng pag-withdraw, at makontrol ang
pagnanasa.
• Kapag ginamit nang tama, at kapag sinusunod ang plano ng
paggamot, maaaring gamitin nang ligtas sa loob ng maraming taon
ang mga gamot na ito.
• Dapat palaging talakayin sa clinician ang anumang plano sa paghinto
sa paggamit ng gamot, pagbabago ng dosis, o pagpapalit ng mga
gamot. Dapat isa itong nakabahaging desisyon, kung saan tinalakay at
nauunawaan ng pasyente ang lahat ng benepisyo at panganib.
• Madalas na lalahok ang mga pasyente sa mga grupo ng pagpapayo
at suportang nakabatay sa plano ng paggamot na napagkasunduan
ng pasyente at ng clinician. Gayunpaman, hindi dapat kailanganin
ang pakikilahok sa pagpapayo at iba pang serbisyo ng suporta para
makatanggap ng paggamot na ginagamitan ng gamot.
• Maaaring mangyari ang pag-relapse bilang bahagi ng pangmatagalang
sakit na ito. Kung nagre-relapse ang pasyente habang ginagamit ang
gamot, babaguhin ng clinician ang plano ng paggamot at mga layunin
sa paggamot kung kinakailangan.
• Dapat ibigay ang naloxone kung may pinaghihinalaang pag-overdose
sa opioid.
Mga Babala
• Dapat na naka-lock sa ligtas na lugar ang mga gamot na itinatabi sa
bahay.
• Dapat ipaalam ng mga babae sa kanilang clinician kung sila ay buntis
o nagpapasuso.
• Maaaring magdulot ng mga nakamamatay na side effect ang
pagsasabay-sabay ng methadone o buprenorphine sa alak, mga
pampakalma, tranquilizer, o iba pang gamot na nagpapabagal
sa paghinga.