ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 8 of 19

9 Buprenorphine • Gumagana ang buprenorphine sa mga bahagi ng utak na gaya ng sa mga opioid na gamot o droga. Nakakatulong ito sa pagpapa-stable sa mga ito para mabawasan ang pagnanais na gumamit ng mga opioid at para maiwasan ang mga sintomas ng pag-withdraw. • Kamakailan ay inaprubahan ng FDA ang ilang bagong buprenorphine formulation para sa paggamot ng sakit sa paggamit ng opioid. • Ginagamit ang buprenorphine bilang mga tableta o film (para sa pang-araw-araw na paggamit), extended-release na mga iniksyon (lingguhan o buwanan) at extended-release na implant na inilalagay sa ilalim ng balat (bawat 6 na buwan). Maaaring iakma ang dosis sa paglipas ng panahon para mahanap ang dosis na pinakamainam para sa pasyente. • Maraming bersyon ng gamot na ito ang isinama sa naloxone para maiwasan ang posibleng maling paggamit. Matuto pa tungkol sa naloxone sa pahina 12. Kapag mali ang paggamit (sa pamamagitan ng iniksyon, pagsinghot, o iba pa), maaaring magdulot ng mga sintomas ng pag-withdraw ang naloxone sa gamot na buprenorphine. • Maaaring makatulong ang coverage at presyo ng insurance na matukoy kung aling anyo ang dapat piliin. Titiyakin ng clinician na may dosis at anyo ang pasyente na nakakatugon sa mga medikal na pangangailangan ng pasyente. • Maaaring kailanganin ng mga pasyente na magpatingin sa kanilang clinician nang madalas sa pagsisimula ng paggamot, hanggang sa maging stable ang kanilang mga sintomas sa pagkalulong. • Maaaring simulan ang paggamot sa buprenorphine sa bahay man o sa tanggapan ng doktor. Itinuturing ang parehong opsyon na ligtas at mabisa kapag nagsisimula. • Dapat maghintay ang mga pasyente hanggang sa makaranas sila ng banayad hanggang katamtamang mga sintomas ng pag-withdraw sa opioid bago gumamit ng unang dosis ng buprenorphine. Kung masyadong maaga ang paggamit ng buprenorphine, maaari itong magdulot ng mga sintomas ng pag-withdraw sa halip na mapawi ang mga ito. • Maraming pasyente ang kailangang magpatuloy sa paggamit ng buprenorphine sa loob ng mahabang panahon. Maaaring malagay sa panganib ng pag-relapse at overdose ang pasyente kung ihihinto ang buprenorphine. Dapat lang itong gawin nang dahan-dahan sa maingat na pagsubaybay ng clinician. • Hindi maaaring magreseta ng buprenorphine ang lahat ng clinician, kaya mahalagang humanap ng aprubadong clinician na kayang magreseta ng gamot na ito. • Nakakabawas sa panganib ng pasyente na mamatay dahil sa pagoverdose sa opioid ang paggamit ng buprenorphine sa paggamot.

Articles in this issue

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide