© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org
8
GAMOT SA PAGKALULONG SA OPIOID
Ang methadone at buprenorphine ang pinakamabisang paggamot na
available para sa aktibong pagkalulong sa opioid. Ang Naltrexone ay
mabisang paggamot para maiwasan ang pag-relapse sa mga pasyenteng
hindi na pisikal na umaasa sa mga opioid. Magsasama ng gamot ang
karamihan sa mga plano ng paggamot. Nakadepende ang piniling uri
ng gamot sa ilang salik kabilang ang kalubhaan ng sakit ng pasyente,
anumang magkakasamang sakit, access sa iba't ibang paraan ng paggamot,
at mga indibidwal na kagustuhan.
• Dapat available sa lahat ng pasyente ang lahat ng gamot na
inaprubahan ng FDA—kabilang ang methadone, buprenorphine, at
naltrexone—para sa paggamot sa sakit sa paggamit ng opioid.
• Inirerekomenda ang pagpapayo sa paggamit ng alinman sa mga gamot
na ito. Gayunpaman, hindi dapat kailanganin ang pagpapayo para
makatanggap ng paggamot na ginagamitan ng gamot.
• Dapat isaalang-alang ang lahat ng kagustuhan, kasaysayan, at
kalubhaan ng sakit ng pasyente kapag nagpapasya kung aling gamot
ang pinakamainam para sa bawat pasyente.
• Gumagana ang bawat gamot sa ibang paraan at may sariling mga
panganib at benepisyo ang mga ito. Kapag sinimulan, maaring ligtas na
inumin ang mga gamot na ito sa loob ng maraming taon. Dapat suriin ng
clinician at ng pasyente ang mga panganib at benepisyo ng bawat gamot.
• Kapag ginamit nang maayos, makakatulong ang mga gamot na ito
na maibalik ang balanse sa mga bahagi ng utak na naapektuhan ng
pagkalulong, na tumutulong sa mga pasyente na pamahalaan ang
kanilang pagkalulong para gumaling sila.
• Walang karaniwang timeline para sa paggamit ng gamot. Nag-iiba-iba ito
para sa bawat pasyente. Maaaring mangailangan ang ilang pasyente ng
mga gamot sa loob ng maraming taon.
• May mga espesyal na sitwasyon ang ilang tao gaya ng pagbubuntis,
mga isyu sa kalusugan ng pag-iisip, pananakit, o pagkakasangkot
sa sistema ng hustisyang kriminal. Dapat nilang talakayin ang mga
isyung ito sa kanilang clinician para mahanap ang tamang gamot para
sa kanilang mga pangangailangan.
• Dapat ding talakayin ng mga kabataan at kanilang mga tagapag-alaga
ang mga opsyon sa gamot sa kanilang mga clinician.
Kung hindi gumagana nang maayos ang unang gamot na
napili, dapat talakayin ng pasyente sa clinician ang pagpapalit
sa ibang gamot na maaaring mas mabisa sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng pasyente.