ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 16 of 19

17 • Maaari ding magrekomenda ang clinician ng methadone o buprenorphine para sa mga babaeng buntis na nagpapagaling mula sa sakit sa paggamit ng opioid kung nasa panganib ang pasyente ng pag-relapse sa panahon ng pagbubuntis. • Ang methadone o buprenorphine ang pinakamahuhusay na mga opsyon para gamutin ang sakit sa paggamit ng opioid sa panahon ng pagbubuntis. Gayunpaman, kung gumagamit ang pasyente ng naltrexone bago ang pagbubuntis at gusto niyang ipagpatuloy ito, dapat talakayin ng pasyente ang mga potensyal na panganib sa clinician. Hindi sapat ang nalalaman tungkol sa kaligtasan ng naltrexone sa panahon ng pagbubuntis. • Bagama't may ilang pagkakatulad ang methadone at buprenorphine sa iba pang opioid tulad ng heroin o oxycodone, ginagawang mas ligtas ang mga ito ng mga partikular na katangian ng mga ito kapag ginamit sa panahon ng pagbubuntis sa ilalim ng pangangalaga ng clinician. Mabagal umepekto ang mga gamot na ito, na pumipigil sa pag- withdraw sa opioid, mga pag-overdose sa opioid, at mga high at low na maaaring makapinsala sa paglaki ng fetus. • Sa paglaon ng pagbubuntis, maaaring taasan ng clinician ang dosis ng gamot o puwedeng dalasan ng pasyente ang paggamit ng gamot para maiwasan ang pagnanasa at suportahan ang mas stable na kapaligiran para sa fetus. • Maaaring magrekomenda ang clinician ng pagpapayo o iba pang paggamot sa pag-uugali bilang karagdagan sa gamot. • Maaari at dapat magpasuso ang mga pasyenteng gumagamit ng methadone o buprenorphine ayon sa inireseta, at nang walang iba pang kontraindikasyon para sa pagpapasuso. • Pagkatapos ng panganganak, tatasahin ng clinician ang pasyente para matingnan kung kailangang iakma ang dosis ng methadone o buprenorphine. Dahil may panganib ng pag-relapse at pag-overdose sa unang taon pagkatapos ng panganganak, hindi dapat ihinto ng mga pasyente ang paggamit ng mga gamot na ito sa panahong ito.

Articles in this issue

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide