ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 15 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 16 PAGTATASA NG AT PAGGAMOT NG SAKIT SA PAGGAMIT NG OPIOID SA MGA BABAENG BUNTIS Maaaring magdulot ng malaking panganib sa mga babaeng buntis ang hindi ginagamot na sakit sa paggamit ng opioid. Maaari itong humantong sa mga komplikasyon sa pagbubuntis pati na rin sa pagkalaglag ng sanggol, maagang panganganak, hindi paglaki ng fetus, at pagkamatay ng fetus. • Dapat simulan nang maaga sa pagbubuntis hangga't maaari ang paggamot sa sakit sa paggamit ng opioid. » Dapat matingnan ang pasyente ng clinician na may karanasan sa pangangalaga ng buntis pati na rin ng clinician na may karanasan sa paggamot sa pagkalulong. Gayunpaman, kung hindi available ang espesyalista, dapat pa ring humingi ang mga babaeng buntis ng pangangalaga bago manganak at talakayin nila ang kanilang pangangailangan para sa paggamot sa sakit sa paggamit ng opioid. • Dapat magsagawa ang clinician ng medikal na pagtatasa para matukoy ang anumang agarang medikal na isyu na kailangang tugunan. » Maaaring kasama sa medikal na eksaminasyon ang mga pagsusuri sa laboratoryo, pisikal na eksaminasyon, ultrasound, at mga tanong tungkol sa kalusugan ng pag-iisip ng pasyente at indibidwal na pangangailangan. • Ang pinakamahalagang bagay na maaaring gawin ng babaeng buntis na may sakit sa paggamit ng opioid ay ang kumuha ng regular na pangangalaga bago manganak at paggamot sa pagkalulong. • Maaaring mapanganib ang pag-withdraw sa panahon ng pagbubuntis. Dapat makipagtulungan ang mga pasyente sa kanilang clinician para mapamahalaan ang pag-withdraw kung ihihinto o babawasan nila ang kanilang paggamit ng opioid (kabilang ang inireresetang paggamit ng opioid). • Dapat makipag-usap ang clinician sa pasyente tungkol sa mga panganib at benepisyo ng iba't ibang opsyon sa paggamot. Dapat silang gumawa ng desisyon nang magkasama batay sa kung ano ang pinakamainam para sa pasyente. • Ang methadone at buprenorphine ang pinakamahuhusay na paggamot na available para sa mga babaeng buntis na may sakit sa paggamit ng opioid. Maaaring irekomenda ng clinician na maospital ang pasyente kapag sinimulan na ang gamot, lalo na sa ikatlong trimester. Gayunpaman, para sa karamihan ng mga pasyente, maaaring ligtas na simulan ang mga gamot na ito sa pang-outpatient na setting.

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide