ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 17 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 18 Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Sa Pagtugon sa Pag-overdose sa Opioid • DAPAT Tumawag ng Tulong (I-dial ang 911) • DAPAT suportahan ang paghinga ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng oxygen o pagsasagawa ng rescue breathing. • DAPAT magbigay ng naloxone (gamot na binabaligtad ang epekto ng mga opioid) bilang iniksyon o spray sa ilong. • LAHAT NG KAIBIGAN/PAMILYA AY DAPAT MAY NALOXONE AT ALAM KUNG PAANO ITO GAMITIN. • DAPAT itagilid ang tao kung nakakahinga siya nang mag-isa. • DAPAT samahan ang tao at panatilihin siyang mainit-init. • HUWAG sampalin o subukang pasiglahin ang tao—magdudulot lang ito ng karagdagang pinsala. Kung hindi makakagising sa tao ang pagsigaw, pagkuskos ng mga buko sa sternum (gitna ng dibdib o rib cage), o mahinang pagkurot, maaaring wala siyang malay. • HUWAG ilagay ang tao sa malamig na paliguan o shower. Pinatataas nito ang panganib ng pagkatumba, pagkalunod, o pagkakaroon ng shock. • HUWAG turukan ang tao ng anumang substansya (tubig-alat, gatas, "speed," heroin, atbp.). Tanging ang naloxone lang ang ligtas at naaangkop na paggamot. • HUWAG subukang pasukahin ang tao ng mga maaaring nalunok niyang gamot. Maaaring magdulot ng pagkamatay ang pagkabulon o paglanghap ng suka sa baga. PAG-OVERDOSE NANGANGAILANGAN ANG PAG-OVERDOSE SA OPIOID NG AGARANG MEDIKAL NA ATENSYON

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide