© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org
10
Methadone
• Gumagana rin ang methadone sa bahagi ng utak na gaya ng sa mga
opioid na gamot o droga at tumutulong ito sa pagpapa-stable sa mga
ito para mabawasan ang pagnanais na gumamit ng mga opioid at
maiwasan ang mga sintomas ng pag-withdraw.
• Maaaring ligtas na simulan ang methadone bago magsimulang
makaranas ang pasyente ng mga sintomas ng pag-withdraw.
• Makikipagtulungan ang clinician sa pasyente para mahanap ang
tamang dosis na makakabawas sa pagnanasa nang hindi nagdudulot
ng pagkaantok o pagkalma ng pasyente.
• Ginagamit ang methadone bilang likido, o bilang pulbos o tableta na
tinutunaw sa likido bago ito inumin. Karaniwan itong iniinom nang
isang beses bawat araw (maaaring iba ito para sa mga pasyenteng
buntis o ginagamot dahil sa pananakit).
• Tanging ang mga espesyal na Programa sa Paggamot sa Opioid lang
ang pinapayagang gumamot sa mga pasyente gamit ang methadone.
• Sa simula ng paggamot, karaniwang kailangang pumunta ng mga
pasyente sa klinika araw-araw para inumin ang kanilang pang-araw-
araw na dosis.
• Maaaring bigyan ng supply ng gamot na iinumin sa bahay ang mga
taong nasa stable na pagpapagaling.
• Dapat subaybayan ang pagpapainom ng methadone dahil maaaring
humantong ang hindi pinangangasiwaang pagpapainom nito sa maling
paggamit at dibersyon.
• Maraming pasyente ang kailangang magpatuloy sa pag-inom ng
methadone sa loob ng mahabang panahon. Maaaring malagay sa
panganib ng pag-relapse at pag-overdose ang pasyente kung ihihinto
ang methadone. Dapat lang itong gawin nang dahan-dahan sa maingat
na pagsubaybay ng clinician.
• Nakakabawas sa panganib ng pasyente na mamatay dahil sa pag-
overdose sa opioid ang paggamit ng methadone sa paggamot.