ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 4 of 19

5 Plano ng Paggamot • Pagkatapos talakayin sa clinician ang mga resulta ng pagtatasa at pagpipilian sa paggamot, oras na para buuin ang buong plano ng paggamot. • Karaniwan para sa parehong pasyente at clinician na lumagda sa isang kasunduan tungkol sa kung ano ang aasahan sa panahon ng paggamot. Maaring kabilang dito ang: • Mga layunin sa paggamot • Mga gamot: kadalasang methadone, buprenorphine, o naltrexone para sa sakit sa paggamit ng opioid • Iskedyul ng paggamot • Plano sa pagpapayo • Mga serbisyo sa suporta sa pagpapagaling • Pagsisikap ng pasyente na makipagtulungan sa paggamot • Mga panganib sa pag-relapse at iba pang alalahanin sa kaligtasan Pakikilahok ng Pasyente • Ang pakikilahok ng pasyente sa paggamot at pagpapagaling ay nagpapabuti ng mga resulta. Dapat pangmatagalan ang paggamot, dahil pangmatagalang sakit ang pagkalulong. Para sa kadahilanang ito, mahalagang makipagtulungan ang mga pasyente sa mga clinician para bumuo ng plano ng paggamot na naaayon sa kanilang mga pangangailangan at layunin. • Dapat asahan ng mga pasyente na tatratuhin sila nang may paggalang at dignidad at mapapakinggan ang kanilang mga alalahanin kapag sinimulan o binabago ang plano ng paggamot. • Para maiwasan ang mga problema sa kalusugan, dapat ipaalam ng mga pasyente sa kanilang mga clinician ang tungkol sa anumang iba pang gamot na kanilang iniinom o kung umiinom sila ng alak. Napakahalaga nito — maaaring magdulot ang ilang gamot at alak ng malalaking problema sa mga gamot sa paggamot. • Kabilang sa mga karaniwang responsibilidad ng pasyente ang: • Pagpapanatili ng lahat ng appointment • Regular na pagbibigay ng mga sample para sa pagsusuri sa droga • Pag-inom ng mga gamot ayon sa inireseta • Paggamit lang ng mga gamot na inireseta • Pagpapahintulot at paghikayat sa pakikilahok ng mga sumusuportang pamilya at kaibigan • Pag-iwas sa mga tao, lugar, at sitwasyong maaaring maglagay sa kanya sa panganib na mag-relapse.

Articles in this issue

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide