ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 3 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 4 PANGKALAHATANG-IDEYA NG PAGGAMOT Sa panahon ng pagtatasa, tutukuyin din ng clinician ang mga kinakailangang sikolohikal at panlipunang suporta ng pasyente. Malamang na magrerekomenda siya ng mga serbisyo ng pagpapayo o suporta sa pagpapagaling, tulad ng paglahok sa mutual support group. Gayunpaman, hindi dapat kailanganin ang pakikilahok sa pagpapayo at iba pang serbisyo ng suporta para makatanggap ng paggamot na ginagamitan ng gamot. Kung lumahok nga ang pasyente sa mga mutual support group, mahalagang makahanap ng grupong sumusuporta sa paggamit ng mga gamot para sa sakit sa paggamit ng opioid. Bagama't mahalaga ang komprehensibong pagtatasa at medikal na pagsusuri para sa pagbuo ng plano ng paggamot, hindi dapat iantala o pigilan ng pagkompleto ng lahat ng pagtatasa ang pagsisimula ng pasyente sa paggamit ng gamot. Pagkatapos ng pagtatasa, tatalakayin ng clinician ang lahat ng inirerekomendang opsyon sa paggamot sa pasyente. Magkakaiba ang bawat sitwasyon ng pasyente, kaya nakabahaging desisyon sa pagitan ng pasyente at ng clinician ang pagpili sa mga pinakamahusay na opsyon. May tatlong pangunahing pagpipilian sa gamot para gamutin ang pagkalulong sa opioid: methadone, buprenorphine, at naltrexone. Karaniwang inirerekomenda ang mga gamot na ito kasabay ng pagpapayo at iba pang serbisyo ng suporta. May hanay ng iba't ibang opsyon sa paggamot depende sa kalubhaan ng sakit ng pasyente at iba pang salik. Inilalarawan ng ASAM ang apat na pangkalahatang antas ng pangangalaga: • Antas 1 ng ASAM - Outpatient na paggamot. Halimbawa, paggamot gamit ang buprenorphine o naltrexone mula sa provider ng pangunahing pangangalaga. • Antas 2 ng ASAM - Intensive outpatient o bahagyang pagpapaospital. Sa programang IOP at PHP, makakatanggap ang pasyente ng mahigit 9 o 20 oras bawat linggo ng mga serbisyo sa paggamot, ayon sa pagkakabanggit. • Antas 3 ng ASAM - Paggamot sa tirahan. Ang mga programa sa paggamot sa tirahan ay nagbibigay ng paggamot sa ligtas at parang nasa bahay na setting kung saan maaaring magsanay ng mga kasanayang kailangan para sa paggaling ang pasyente. • Antas 4 ng ASAM - Paggamot sa ospital bilang inpatient. Maaaring kailanganin ang paggamot bilang inpatient para sa mga pasyenteng may malubhang medikal o psychiatric na problema na nangangailangan ng medikal na pangangalaga at pangangalaga ng nars. Mahalagang talakayin ang maraming iba't ibang opsyon sa paggamot sa clinician para matukoy kung alin ang pinakaangkop.

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide