ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 2 of 19

3 PAGTATASA Ang paghingi ng tulong ang unang mahalagang hakbang sa pagpapagaling. Ang susunod na hakbang sa proseso ay ang pakikipagkita sa kwalipikadong clinician. Ang clinician ay isang propesyonal sa kalusugan tulad ng doktor, psychiatrist, psychologist, social worker, o nars. Sa unang appointment na ito, susuriin ng clinician ang pasyente para sa sakit sa paggamit ng opioid at magsasagawa siya ng pagtatasa. Layunin ng pagtatasa na makakuha ng masusing pag-unawa sa mga pasyente at kalubhaan ng kanyang sakit. Makakatulong ito sa clinician at pasyente na bumuo ng plano ng paggamot na pinakamahusay na tumutugma sa mga pangangailangan ng pasyente. Pagsisimula • Magtatanong ang clinician para maunawaan ang lahat ng salik na nag-aambag sa pagkalulong ng pasyente. Kung mas marami ang malalaman, mas mahusay na maipaplano ang paggamot para sa pasyente. Malamang na tatanungin ang pasyente tungkol sa: • Kasalukuyang paggamit ng droga at pag-inom ng alak • Mga sintomas ng pag-withdraw • Kasaysayan ng paggamit ng kontroladong kemikal • Kasaysayan ng pamilya sa pagkalulong • Mga problema sa kalusugan ng pag-iisip o katawan • Sistema ng suporta • Available na ligtas at stable na pabahay • Ano ang umuudyok para magbago • Ang susunod na hakbang ay ang kompletong pisikal na eksaminasyon para suriin ang pangkalahatang kalusugan ng pasyente. Kabilang dito ang paghahanap ng iba pang karaniwang kondisyon (sa katawan o pag-iisip) na nauugnay sa pagkalulong na maaaring makaapekto sa plano para sa paggamot. • Kadalasang may kasamang pagsusuri sa droga ang pisikal na eksaminasyon. 3

Articles in this issue

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide