ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 5 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 6 Pagpapayo • Ang pagpapayo ay mahalagang bahagi ng paggamot para sa maraming pasyente at kadalasang inirerekomenda kasama ng mga gamot. • Dapat ibigay ang pagpapayo ng kwalipikadong clinician. Maaaring makatanggap ang mga pasyente ng pagpapayo sa parehong lugar kung saan sila tumatanggap ng gamot o sa ibang lokasyon. • Tumutulong ang pagpapayo sa mga pasyente na matugunan ang mga personal, panlipunan, o iba pang problema na maaaring mag-ambag sa kanilang pagkalulong. Puwedeng mga halimbawa ang: • Pagdaragdag ng motibasyon para sa paggamot at pagpapagaling • Mahihirap na sitwasyon sa trabaho o bahay • Pagbuo ng sistema ng suporta ng mga taong sumusuporta sa paggaling • Dapat magtulungan ang lahat ng clinician na kasama sa paggamot sa pasyente para isaayos ang pangangalaga. • Bilang karagdagan sa pagpapayo, hinihikayat ang mga pasyente na sumali sa mga grupo ng suporta na kinabibilangan ng iba na nasa pagpapagaling din. • Hindi limitado sa pasyente ang mga grupo ng pagpapayo at suporta. Mayroon ding maraming serbisyo sa pagpapayo at grupo ng suporta para sa pamilya at mga kaibigan ng mga taong nagpapagaling sa pagkalulong. Tandaan, nakakaapekto rin ang pagkalulong sa mga kaibigan at pamilya. Suporta mula sa Pamilya at Mga Kaibigan • Maaaring mahalaga ang tungkulin ng mga pamilya at kaibigan sa pagsuporta sa kanilang mga mahal sa buhay para makamit ang pangmatagalang paggaling. • Napakahalagang iwasan ng mga pasyente ang mga tao, lugar, at iba pang bagay na nagti-trigger sa kanilang pagnanais na uminom ng alak o gumamit ng droga. Kailangan din nilang matutunan kung paano tumugon sa mga nag-trigger na iyon nang hindi umiinom ng alak o gumagamit ng droga. Maaaring magbigay ng suporta at paghihikayat ang mga opsyon sa gamot kasama ng kanilang mga clinician.

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide