15
Pananakit
• Maaari at dapat na mabisang magamot ang pananakit sa mga
pasyenteng may pagkalulong sa opioid.
• Para sa mga taong kasalukuyang hindi ginagamot, maaaring mabisa
ang methadone o buprenorphine para sa paggamot sa parehong
pagkalulong at sakit sa opioid.
• Maaaring pansamantalang taasan ng clinician ang dosis ng pasyente,
o ang dalas ng pagdodosis ng methadone o buprenorphine para
mabisang mapamahalaan ang pananakit.
• Maaari ding magreseta ang clinician ng karagdagang gamot na
nakakapawi ng pananakit o iba pang paggamot (tulad ng pisikal na
therapy).
• Hindi kailangang ihinto ang methadone o buprenorphine bago ang
operasyon.
• Kung itinigil ang methadone o buprenorphine dahil sa paggamot sa
pananakit, dapat itong masimulan ulit sa lalong madaling panahon.
• Pinipigilan ng naltrexone ang paggana ng mga opioid na gamot sa
pananakit. Kapag kinakailangan, kadalasang nalalampasan ang epekto
ng pagpigil na ito. Sa mga pagkakataong ito, dapat na masusing
subaybayan ang mga pasyente sa emergency department o setting ng
ospital.
• Mahalagang makipag-usap ang mga pasyente sa kanilang mga
clinician tungkol sa kanilang pagkalulong sa opioid at na magtulungan
sila para bumuo ng plano sa pamamahala ng pananakit na parehong
tumutugon sa pananakit at pinapaliit ang kanilang panganib na
mag-relapse.