13
PAANO GUMAGANA ANG MGA GAMOT NA ITO?
Methadone
May pangmatagalang bisa
• Bisa: Gumagana sa mga bahagi ng utak na gaya ng sa mga opioid na
gamot o droga ngunit may mas matagal na bisa para gawing stable
ang aktibidad sa mga bahaging ito
• Paggamit: Paggamot sa pag-withdraw sa opioid at pangmatagalang
paggamot para sa pagkalulong sa opioid
• Mga KALAMANGAN: Gumagana nang maayos para maiwasan
ang pag-withdraw, pagnanasa, at paggamit ng mga ipinagbabawal
na opioid; binabawasan ang panganib ng pagkamatay dahil sa pag-
overdose sa opioid
• Mga KAHINAAN:
» Madalas na pagpapatingin sa klinika
» Maaaring magdulot ng pag-overdose kung hindi ginamit ayon sa
tagubilin ng clinician
Buprenorphine
Kadalasang sinasamahan ng naloxone
• Bisa: Gumagana sa mga bahagi ng utak na gaya ng sa mga opioid na
gamot o droga ngunit may mas matagal na bisa para gawing stable
ang aktibidad sa mga bahaging ito
• Paggamit: Paggamot sa pag-withdraw sa opioid at pangmatagalang
paggamot para sa pagkalulong sa opioid
• Mga KALAMANGAN: Gumagana nang maayos para maiwasan
ang pag-withdraw, pagnanasa, at paggamit ng mga ipinagbabawal
na opioid; binabawasan ang panganib ng pagkamatay dahil sa pag-
overdose sa opioid
• Mga KAHINAAN: Panganib para sa pag-overdose kapag sinabayan
ng alak o mga pampakalma
Naltrexone
• Bisa: Pinipigilan ang epekto ng mga opioid
• Paggamit: Iniiwasan ang pag-relapse sa mga pasyenteng hindi na
nakadepende sa mga opioid
• Mga KALAMANGAN: Walang panganib para sa pagdepende;
nakakabawas ng pagnanasa
• Mga KAHINAAN: Mas malamang na huminto ang mga pasyente
sa paggamot gamit ang naltrexone
Naloxone
Panandaliang epekto
• Bisa: Pinipigilan ang epekto ng mga opioid
• Paggamit: Ginagamot ang pag-overdose sa opioid
• Mga KALAMANGAN: Nagliligtas ng mga buhay
• Mga KAHINAAN: Hindi naaangkop