ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 10 of 19

11 Naltrexone • Gumagana ang Naltrexone sa pamamagitan ng pagpigil sa mga opioid na gumana sa utak. Nangangahulugan ito na hindi magiging high ang pasyente mula sa paggamit ng mga opioid habang umiinom ng naltrexone. Isang magandang opsyon ang naltrexone para maiwasan ang pag-relapse sa mga pasyenteng hindi na nakadepende sa mga opioid. • Hindi na maaaring magkaroon ang mga pasyente ng anumang opioid sa kanilang katawan kapag nagsimula nang gumamit ng naltrexone. Kung magkakaroon man sila nito, mabilis itong magdudulot ng matinding pag-withdraw. Bago simulan ng clinician ang pagbibigay ng naltrexone sa pasyenteng may aktibong pagkalulong sa opioid, dapat sumailalim ang pasyente sa pag-withdraw sa pangangasiwa ng clinician. Maaaring tumagal ang panahong ito nang 6–10 araw. • Ibinibigay ang Naltrexone sa anyo ng extended release na itinuturok sa puwit. Ibinibigay ang iniksyon sa tanggapan ng clinician nang isang beses bawat 3-4 na linggo. • Available din ang naltrexone bilang pill, ngunit HINDI inirerekomenda ang anyong ito maliban sa ilalim ng mga napakalimitadong pangyayari. • Maraming pasyente ang kailangang magpatuloy sa paggamit ng naltrexone sa loob ng mahabang panahon. Dahil hindi nagdudulot ang naltrexone ng pisikal na pagdepende rito, maaari itong itigil nang biglaan nang walang sintomas ng pag-withdraw. Gayunpaman, maaaring malagay sa panganib ng pag-relapse at pag-overdose ang pasyente kung ihihinto ang naltrexone. Dapat lang itong gawin nang may maingat na pagsubaybay ng clinician.

Articles in this issue

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide