ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 7 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 8 GAMOT SA PAGKALULONG SA OPIOID Ang methadone at buprenorphine ang pinakamabisang paggamot na available para sa aktibong pagkalulong sa opioid. Ang Naltrexone ay mabisang paggamot para maiwasan ang pag-relapse sa mga pasyenteng hindi na pisikal na umaasa sa mga opioid. Magsasama ng gamot ang karamihan sa mga plano ng paggamot. Nakadepende ang piniling uri ng gamot sa ilang salik kabilang ang kalubhaan ng sakit ng pasyente, anumang magkakasamang sakit, access sa iba't ibang paraan ng paggamot, at mga indibidwal na kagustuhan. • Dapat available sa lahat ng pasyente ang lahat ng gamot na inaprubahan ng FDA—kabilang ang methadone, buprenorphine, at naltrexone—para sa paggamot sa sakit sa paggamit ng opioid. • Inirerekomenda ang pagpapayo sa paggamit ng alinman sa mga gamot na ito. Gayunpaman, hindi dapat kailanganin ang pagpapayo para makatanggap ng paggamot na ginagamitan ng gamot. • Dapat isaalang-alang ang lahat ng kagustuhan, kasaysayan, at kalubhaan ng sakit ng pasyente kapag nagpapasya kung aling gamot ang pinakamainam para sa bawat pasyente. • Gumagana ang bawat gamot sa ibang paraan at may sariling mga panganib at benepisyo ang mga ito. Kapag sinimulan, maaring ligtas na inumin ang mga gamot na ito sa loob ng maraming taon. Dapat suriin ng clinician at ng pasyente ang mga panganib at benepisyo ng bawat gamot. • Kapag ginamit nang maayos, makakatulong ang mga gamot na ito na maibalik ang balanse sa mga bahagi ng utak na naapektuhan ng pagkalulong, na tumutulong sa mga pasyente na pamahalaan ang kanilang pagkalulong para gumaling sila. • Walang karaniwang timeline para sa paggamit ng gamot. Nag-iiba-iba ito para sa bawat pasyente. Maaaring mangailangan ang ilang pasyente ng mga gamot sa loob ng maraming taon. • May mga espesyal na sitwasyon ang ilang tao gaya ng pagbubuntis, mga isyu sa kalusugan ng pag-iisip, pananakit, o pagkakasangkot sa sistema ng hustisyang kriminal. Dapat nilang talakayin ang mga isyung ito sa kanilang clinician para mahanap ang tamang gamot para sa kanilang mga pangangailangan. • Dapat ding talakayin ng mga kabataan at kanilang mga tagapag-alaga ang mga opsyon sa gamot sa kanilang mga clinician. Kung hindi gumagana nang maayos ang unang gamot na napili, dapat talakayin ng pasyente sa clinician ang pagpapalit sa ibang gamot na maaaring mas mabisa sa pagtugon sa mga pangangailangan ng pasyente.

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide