3
PAGTATASA
Ang paghingi ng tulong ang unang mahalagang hakbang sa pagpapagaling.
Ang susunod na hakbang sa proseso ay ang pakikipagkita sa kwalipikadong
clinician. Ang clinician ay isang propesyonal sa kalusugan tulad ng doktor,
psychiatrist, psychologist, social worker, o nars. Sa unang appointment na
ito, susuriin ng clinician ang pasyente para sa sakit sa paggamit ng opioid
at magsasagawa siya ng pagtatasa. Layunin ng pagtatasa na makakuha
ng masusing pag-unawa sa mga pasyente at kalubhaan ng kanyang sakit.
Makakatulong ito sa clinician at pasyente na bumuo ng plano ng paggamot
na pinakamahusay na tumutugma sa mga pangangailangan ng pasyente.
Pagsisimula
• Magtatanong ang clinician para maunawaan ang lahat ng salik na
nag-aambag sa pagkalulong ng pasyente. Kung mas marami ang
malalaman, mas mahusay na maipaplano ang paggamot para sa
pasyente. Malamang na tatanungin ang pasyente tungkol sa:
• Kasalukuyang paggamit ng droga at pag-inom ng alak
• Mga sintomas ng pag-withdraw
• Kasaysayan ng paggamit ng kontroladong kemikal
• Kasaysayan ng pamilya sa pagkalulong
• Mga problema sa kalusugan ng pag-iisip o katawan
• Sistema ng suporta
• Available na ligtas at stable na pabahay
• Ano ang umuudyok para magbago
• Ang susunod na hakbang ay ang kompletong pisikal na eksaminasyon
para suriin ang pangkalahatang kalusugan ng pasyente. Kabilang dito
ang paghahanap ng iba pang karaniwang kondisyon (sa katawan o
pag-iisip) na nauugnay sa pagkalulong na maaaring makaapekto sa
plano para sa paggamot.
• Kadalasang may kasamang pagsusuri sa droga ang pisikal na
eksaminasyon.
3