© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org
18
Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Sa Pagtugon sa
Pag-overdose sa Opioid
• DAPAT Tumawag ng Tulong (I-dial ang 911)
• DAPAT suportahan ang paghinga ng tao sa pamamagitan ng
pagbibigay ng oxygen o pagsasagawa ng rescue breathing.
• DAPAT magbigay ng naloxone (gamot na binabaligtad ang epekto
ng mga opioid) bilang iniksyon o spray sa ilong.
• LAHAT NG KAIBIGAN/PAMILYA AY DAPAT MAY
NALOXONE AT ALAM KUNG PAANO ITO GAMITIN.
• DAPAT itagilid ang tao kung nakakahinga siya nang mag-isa.
• DAPAT samahan ang tao at panatilihin siyang mainit-init.
• HUWAG sampalin o subukang pasiglahin ang tao—magdudulot
lang ito ng karagdagang pinsala. Kung hindi makakagising sa tao ang
pagsigaw, pagkuskos ng mga buko sa sternum (gitna ng dibdib o rib
cage), o mahinang pagkurot, maaaring wala siyang malay.
• HUWAG ilagay ang tao sa malamig na paliguan o shower.
Pinatataas nito ang panganib ng pagkatumba, pagkalunod, o
pagkakaroon ng shock.
• HUWAG turukan ang tao ng anumang substansya (tubig-alat,
gatas, "speed," heroin, atbp.). Tanging ang naloxone lang ang ligtas
at naaangkop na paggamot.
• HUWAG subukang pasukahin ang tao ng mga maaaring nalunok
niyang gamot. Maaaring magdulot ng pagkamatay ang pagkabulon o
paglanghap ng suka sa baga.
PAG-OVERDOSE
NANGANGAILANGAN ANG PAG-OVERDOSE SA
OPIOID NG AGARANG MEDIKAL NA ATENSYON