ASAM Patient Guide - NJ

Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide

ASAM Opioid Addiction Treatment GUIDELINES Apps and Pocket Guides brought to you courtesy of Guideline Central. Enjoy!

Issue link: https://eguideline.guidelinecentral.com/i/1508620

Contents of this Issue

Navigation

Page 13 of 19

© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org 14 Buod ng Paggamit ng Gamot • Iba-iba ang bawat pasyente. Nagbibigay-daan sa pasyente ang tamang gamot na maging normal, magkaroon ng kaunting side effect, hindi magkaroon ng sintomas ng pag-withdraw, at makontrol ang pagnanasa. • Kapag ginamit nang tama, at kapag sinusunod ang plano ng paggamot, maaaring gamitin nang ligtas sa loob ng maraming taon ang mga gamot na ito. • Dapat palaging talakayin sa clinician ang anumang plano sa paghinto sa paggamit ng gamot, pagbabago ng dosis, o pagpapalit ng mga gamot. Dapat isa itong nakabahaging desisyon, kung saan tinalakay at nauunawaan ng pasyente ang lahat ng benepisyo at panganib. • Madalas na lalahok ang mga pasyente sa mga grupo ng pagpapayo at suportang nakabatay sa plano ng paggamot na napagkasunduan ng pasyente at ng clinician. Gayunpaman, hindi dapat kailanganin ang pakikilahok sa pagpapayo at iba pang serbisyo ng suporta para makatanggap ng paggamot na ginagamitan ng gamot. • Maaaring mangyari ang pag-relapse bilang bahagi ng pangmatagalang sakit na ito. Kung nagre-relapse ang pasyente habang ginagamit ang gamot, babaguhin ng clinician ang plano ng paggamot at mga layunin sa paggamot kung kinakailangan. • Dapat ibigay ang naloxone kung may pinaghihinalaang pag-overdose sa opioid. Mga Babala • Dapat na naka-lock sa ligtas na lugar ang mga gamot na itinatabi sa bahay. • Dapat ipaalam ng mga babae sa kanilang clinician kung sila ay buntis o nagpapasuso. • Maaaring magdulot ng mga nakamamatay na side effect ang pagsasabay-sabay ng methadone o buprenorphine sa alak, mga pampakalma, tranquilizer, o iba pang gamot na nagpapabagal sa paghinga.

Articles in this issue

Links on this page

view archives of ASAM Patient Guide - NJ - Tagalog - ASAM Opioid Patient Guide