© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org © 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org
2
INTRODUKSYON
Ang pagkalulong ay isang pangmatagalang medikal na sakit na
nakakaapekto sa milyon-milyong tao sa buong mundo, gayundin sa
kanilang mga pamilya at komunidad. Noong 2018, humigit-kumulang 2.1
na milyong Amerikanong may edad 12 taon pataas ang nagkaroon ng sakit
sa paggamit ng opioid (aktibong pagkalulong sa opioid). Tulad ng diabetes
o sakit sa puso, walang gamot para sa pagkalulong. Ngunit maaari itong
mapamahalaan, at maaring gumaling ang mga taong nalulong.
May mga available na paggamot na napatunayang ligtas at mabisa.
Maaaring magbigay-daan ang paggamot na ibinibigay ng mga sinanay
na clinician sa mas malusog na paraan ng pamumuhay, na malayo sa
mga sintomas ng pagkalulong. Tinutukoy ang malusog na paraan ng
pamumuhay bilang pagpapagaling. Kadalasang pinakamabisang opsyon
para sa pagkalulong sa opioid ang paggamot na ginagamitan ng gamot na
sinabayan ng pagpapayo at iba pang suporta.
Nagbibigay ang dokumentong ito ng mga katotohanan tungkol sa
paggamot mula sa Ang American Society of Addiction Medicine
(ASAM) — ang nangungunang medikal na samahan para sa paggamot sa
pagkalulong. Matuto nang higit pa tungkol sa ASAM sa www.ASAM.org.
KAHULUGAN NG PAGKALULONG
*
Ang pagkalulong ay isang nagagamot at pangmatagalang medikal
na sakit na kung saan pilit na hinahanap at ginagamit ng isang
tao ang mga kontroladong kemikal tulad ng mga droga o alak, o
nakikibahagi siya sa iba pang pag-uugali (gaya ng pagsusugal)
sa kabila ng mga pinsalang idinudulot nito sa kanyang kalusugan
at/o kanyang buhay. Isa itong sakit sa utak dahil binabago ng
pagkalulong kung paano gumagana ang utak. Naaapektuhan ng
pagkalulong ang mga bahagi ng utak na kumokontrol sa pag-
uudyok, pagkontrol sa sarili, reaksyon sa stress, memorya, at
pagdedesisyon. Maaaring tumagal nang mahabang panahon ang
mga pagbabagong ito, kahit na tumigil ang tao sa paggamit ng
mga kontroladong kemikal. Kung walang paggamot at suporta sa
pagpapagaling, maaaring patuloy na lumala ang pagkalulong.
*Binago mula sa Kahulugan ng Pagkalulong ng ASAM
https://www.asam.org/quality-care/definition-of-addiction
2
© 2023 American Society of Addiction Medicine. Nakalaan ang lahat ng karapatan. ASAM.org